LOLO SA ASINGAN,PINAGBABARIL SA HARAP NG KANIYANG BAHAY

Pinagbabaril ang isang 72 anyos na magsasaka sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. San Vicente East, Asingan, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, papunta na sana sa kanyang sakahan ang biktima bandang alas sais ng umaga nang bigla siyang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at ito ay pinagbabaril. Agad tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng calibre .45 na baril. Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments