Lolo sa Central Luzon, hindi na umabot ng bagong taon dahil sa Sinturon ni Judas

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang lolo ang nasawi dahil sa paggamit ng paputok ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa DOH, ang biktima ay isang 78 taong gulang na lolo mula Central Luzon.

Sinindihan umano nito ang ‘Sinturon ni Hudas’ pero naputukan ito.


Nangyari ang insidente noong December 22 at naisugod pa ito ng pagamutan pero binawian din ng buhay nitong December 27.

Impeksiyon ang itinuturong nasa likod ng pagkasawi ng biktima na hindi na umabot ng 2025.

Samantala, sa pinakahuling datos ng DOH ay umabot na sa 125 ang bilang ng mga nagtamo ng firecracker-related injuries sa bansa.

Mas mataas ito ng 29 na porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Facebook Comments