Lolo, sugatan matapos masunog ang sariling bahay

Tondo, Manila – Sugatan ang isang lolo matapos matupok ang sarili nyang bahay sa Trinidad Rizal cor Herbosa St, Brgy 92 Tondo, Manila.

Lapnos ang mukha at magkabilang braso ng biktima na nakilalang si Ed Tongco na agad namang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, aabot sa 3 bahay ang tinupok ng apoy at 6 na pamilya naman ang naapektuhan nito.

2 oras inabot ang sunog bago ito tuluyang naapula.

Facebook Comments