Monday, February 2, 2026

LOLO, SUGATAN SA PAMAMARIL NG KAINUMAN SA DAGUPAN CITY

Sugatan sa noo at dibdib ang isang 67 anyos na lalaki matapos barilin ng kainuman noong hatinggabi ng Enero 31, sa Brgy. Calmay, Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nauwi sa mainit na sagutan ang inuman ng biktima, suspek, at ng ilan pang kasamahan na kalaunan ay humantong sa pamamaril
.

Binalikan pa muna umano ng suspek sa bahay nito ang baril na ginamit bago paputukan ang biktima.

Tatlong beses nagpaputok ang suspek kung saan dalawa ang direktang tumama sa biktima habang tumagos naman sa semento ang isa.

Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang biktima habang naaresto naman ang suspek at nakumpiska ang ginamit na calibre .22 na baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.

Facebook Comments