Manila, Philippines – Tumaas ang cash remittances na nakukuha ng Pilipinas mula sa mga OFW ngayong taon. Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nitong Enero ay umakyat sa 9.7% ang naipapadalang pera ng ating mga kababayang manggagawa abroad. Katumbas nito ang 2.4 billion dollars na cash remittances, mataas kumpara sa 2.1 billion dollars noong nakaraang taon. 80-porsyento ng kabuhuang cash remittances ay galing United States, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Canada, Kuwait at Germany. Dagdag pa ng BSP, ang mga bansang US, UAE, Singapore at Canada ang may pinakamalaking naiaambag na cash remittances nitong Enero. Inaasahang lolobo pa ang cash remittance sa 3.6% o 29.1 billion dollars ngayong taon.
LOLOBO PA | Cash remittances na natatanggap ng Pilipinas mula sa mga OFW, tumaas nitong Enero – BSP
Facebook Comments