Lolong Albularyo, nanghipo., Kalaboso! By: Ate Khatz

39

Sa kulungan ang bagsak ng 73 taong gulang na albularyo matapos hawakan, hipuan at pagpisilpisilin ang maseselang bahagi ng katawan ng kanyang mga pasyente. Ayon sa mga biktima, matagal ng naghihilot sa kanilang barangay ang Senior Citizen na si Isidro Bucoy residente ng barangay San Roque sa Zamboanga City. Pinagkakatiwalaan umano ang Lolo dahil sa taglay nitong kakayahang manggamot. Subalit itoy nagbago mula ng inereklamo ng 9 nitong pasyente na tila may mali sa kanyang panggagamot at panghihilot. Kwento ng isa sa mga biktima, pinapasok sya ng matanda sa loob ng isang maliit na silid at tsaka pinahuban, nung una tila wala naman syang nararamdaman na kakaiba sa matanda, ngunit ng  pinatanggal ang kanyang damit na panloob (bra) at minasahe ang kanyang balikat, patungo sa kanyang dibdib doon na nagtaka ang biktima, dahil tila ibang klaseng panghihilot ang ginagawa ni Lolo dahil may kasamang pisil sa kanyang dibdib, hanggang sa bumaba ang kamay nito patungo sa tyan at malapit sa kanyang pribadong bahagi ng kanyang katawan, doon na nagtaka’t tumayo ang biktima at sinabing parang ibang panghihilot na ang ginagawa ng matanda. Matapos ang pangyayari, agad namang inereklamo ng biktima ang nasabing manghihilot/albularyo, at nagsimula na ring maglabasan ang iba pang biktima nito na umabot sa 9 na kababaihan. Agad namang kinasuhan ang matanda ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng RA 7610.

Facebook Comments

From Advertisers