Nasawi ang isang lolo matapos na masagi ng trak habang nagbibisikleta ito sa kahabaan ng Bonuan Binloc National Highway, Dagupan City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas sais trenta ng umaga nitong Huwebes naganap ang insidente.
Aksidente umano itong nasagi ng trak na minamaneho ng isang 36 anyos na lalaki.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang lolo at isinugod sa ospital ngunit kalauna’y idineklarang dead on arrival.
Nasa ilalim naman na ng Dagupan City PS ang bisikleta ng biktima, sangkot na truck at drayber na lulan nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









