
Sa isinagawang manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Lapu-Lapu City Field Unit, nahuli si alyas “Cerio” matapos halayin umano nito ang tatlong taong gulang nitong apo.
Sinilbihan ng mga operatiba ng warrant of arrest ang nasabing suspek ng Lascivious Conduct sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na inisyu ng korte ng Toledo City, Cebu noong October 6.
Samantala nahuli rin sa magkasunod na araw ng operasyon si alyas “Vincent” matapos ang panggagahasa naman sa isang 16 na taong gulang na menor edad sa Loboc , Bohol.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa 2 counts of rape at sexual abuse na inisyu naman ng Loay, Bohol court noong September 24.
Ang dalawang mga naaresto ay nasa listahan ng pulisya bilang Number 10 Regional Most Wanted Persons ng Police Regional Office 7.
Tiniyak naman ng CIDG na patuloy nilang huhuliin ang mga wanted persons at pugante sa buong bansa lalo na ang mga hinihinalang rapists.









