LOLONG NAPAULAT NA NAWAWALA, KALANSAY NA NG MATAGPUAN

Cauayan City – Matapos ang halos dalawang buwang paghahanap, natagpuan na ang isang lolo na napaulat na nawawala sa lalawigan ng Cagayan subalit sa kasamaang palad ay wala na itong buhay.

Kinilala ang lolo na si Pablo Cuarteros o mas kilala bilang “Lolo Alu”, 80-anyos, at residente ng Brgy. Carig Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Matatandaang noong ika-31 ng Agosto nang manawagan sa publiko ang pamilya nito upang manghingi ng tulong matapos itong hindi umuwi sa kanilang tahanan nang siya ay magpaalam na aalis upang hanapin ang kanyang alagang kalabaw na halos isang buwang ng nawawala.


Nito lamang ika-19 ng Oktubre, habang nag-aani ay isang kalansay ang natagpuan ng mga residente sa liblib at madamong bahagi ng maisan na nasa ginagawang bypass road sa nabanggit na lugar.

Nakilala naman ng mga residente na ang natagpuang kalansay ay ang nawawalang si lolo Alu dahil na rin sa suot nitong damit, shorts, bag, sumbrero, at dalang tungkod na nagtugma sa paglalarawan sa matanda bago ito napaulat na nawawala.

Facebook Comments