Lolong natutulog sa kariton, pinagnakawan ng sekyu ng isang daang piso; Sekyu, arestado!

Sta. Mesa, Manila – Napaiyak sa sama ng loob ang isang lolo matapos siyang nakawan ng isang-daang piso habang natutulog sa kanyang kariton sa ilalim ng tulay sa Sta. Mesa, Maynila.

Kwento ng biktimang si Jose Canita, hirap na hirap siyang ipunin ang pera na mula pa sa pangangalakal ng plastic at bote.

Tiyempo namang nagroronda sa lugar ang mga barangay kagawad kaya naaresto ang suspek na si Rizaldy Sema, isang security guard.


Sa CCTV footage ng barangay 420 zone 43, makikitang pabalik-balik sa ilalim ng tulay ang suspek at kalaunan ay ninakaw ang pera.

Sinampahan na ng kasong theft si Sema.

Facebook Comments