LOLONG WANTED PERSON SA ILEGAL NA SABONG SA CALASIAO, ARESTADO

Arestado ang isang lolo na itinuturing na kanilang sa Wanted Person ng pulisya sa Calasiao.
Kinilala ang akusado na isang 84 anyos na lolo at residente rin sa tukoy na bayan.
Inaresto ito sa pamamagitan ng isang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Cockfighting/Tupada.
Mayroon itong inirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng nasa 10,000 pesos.
Nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng pulisya ang akusado.
Samantala, hinikayat naman ng awtoridad ang publiko na makipag-ugnayan kung sakaling may malaman ukol sa operasyon ng mga ilegal na pasugalan sa bayan.
Facebook Comments