
Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis ang isang lolo na may 40 bilang ng kasong Rape at walang inirekomendang piyansa, sa ikinasang operasyon pasado 1:40 PM, Disyembre 4, 2025.
Kinilala ang mga nagsagawa ng operasyon mula sa Pozorrubio MPS, katuwang ang Dupax Del Sur MPS, Nueva Vizcaya PPO, PIT Pangasinan, at RIU 1.
Ang akusado, isang 70-anyos na lolo at residente ng Dupax Del Sur, ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa naturang mabibigat na kaso.
Ayon sa ulat, nadakip ang akusado nang walang insidenteng nangyaring pagtutol. Dinala ito sa Pozorrubio MPS para sa wastong dokumentasyon at karampatang proseso sa batas.
Patuloy namang isinasagawa ng mga awtoridad ang kaukulang koordinasyon para sa pagsasampa ng mga kinakailangang legal na hakbang laban sa akusado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









