London, nagdeklara ng major incident dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 confirmed cases

156

Idineklara na ng London ang kanilang bansa bilang major incident dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 confirmed cases.

Sa pahayag ni London Mayor Sadiq Khan, malapit nang mapuno ang mga hospital beds dahil sa pagkalat ng nakakahawang variant ng Coronavirus sa buong United Kingdom.


Nabatid na nasa ikalimang pwesto na ang London sa may pinakamaraming bilang na ng mga nasawi kung saan aabot ito sa mahigit 78,000.

Matatandaang huling idineklara ang “major incident” sa London nang magkaroon ng sunog sa high-rise residential block noong 2017, kung saan 72 katao ang naitalang namatay.

Facebook Comments