Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan at pantalan ngayong long Christmas weekend.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), pumapalo sa 100,000 pasahero kada araw ang sineserbisyuhan ng mga paliparan mula nang pumasok ang Disyembre.
Bago mag-Bagong Taon, inaasahang aabot ito sa kabuoang 2.5 million passengers.
Sa datos naman ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa higit 80,000 pasahero ang naitala sa lahat ng pantalan sa bansa.
Pinakamaraming pasahero ay naitala sa Northern Mindanao na may 12,000 pasahero.
Facebook Comments