Manila, Philippines – Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Israel sa Setyembre.
Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, isinasasapinal pa ng dalawang bansa ang eksaktong petsa ng magiging pagbisita ng Pangulo.
Nakatakdang lagdaan ng chief executive ang kasunduan para sa mga Pilipino na nagbigay ng long-term care sa Israel at pakikipaglaban sa drug trade.
Tatalakayin din ng Pangulo kasama ang Israeli officials ang pagtatatag ng direct flight route sa pagitan ng Israel at Pilipinas, agricultural cooperation at security deals.
Kinumpirma naman ni Duterte na naghahanap na lamang ng libreng schedule para mabisita niya si U.S. President Donald Trump dahil makailang beses na rin siyang inimbitahan nito.
Aminado naman ang Pangulo na hindi madali para sa kanya ang pagpunta sa Amerika dahil aabutin ng 13 hanggang 14 na oras ang byahe.
Samantala, sinabi rin ni Go na posibleng sa Oktubre ang byahe sa Kuwait ni Duterte.