Long term side effect ng mga hindi bakunadong bata, ibinabala ng isang eksperto

Nagbabala ang isang eksperto sa posibleng pang matagalang epekto sa mga bata kapag tinamaan ng COVID-19 lalo na kapag hindi bakunado.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Benito Atienza, Presidente ng Philippine Medical Association na posibleng dumanas ang bata ng tinatawag na multisystem inflammatory syndrome.

Ayon kay Atienza, ito ay ang pamamaga ng mga parte ng katawan at hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman at pwedeng magpaulit-ulit.


Ani Atienza, iniiwasan nilang mangyari ito sa mga bata kasama na ang pagkakaroon ng pangkaraniwang sintomas ng COVID-19 tulad ng ubo, sipon na posibleng humantong sa pneumonia.

May ilang ospital narin aniya ang mayroong admission na mga batang may multisystem inflammatory syndrome, subalit patuloy pa nila itong beneberipika.

Sa pinaka huling datos nasa 69,800 pa lamang na mga batang nasa edad lima hanggang labing isa taong gulang ang nabakunahan mula sa higit 15 milyong target na mabakunahan kung saan halos lahat ng mga ito ay wala namang negatibong side effect.

Facebook Comments