Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na handa na sila sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa sa dalawang magkasunod na long weekend.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kabilang dito ang pagdaragdag ng augmentation teams sa mga paliparan.
Bawal din muna ang vacation leave ng BI personnel mula October 25 hanggang November 5.
Bukod dito, pinaghahandaan na rin ng ahensya ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa panahon ng kapaskuhan.
Kasama sa itatalaga sa mga paliparan ang 55 bagong Immigration personnel na nagsasanay ngayon sa Clark at mga organic personnel na magsisilbing acting Immigration personnel.
Facebook Comments