LONGEST YOGA MARATHON | Babae sa India, nasungkit ang Guinness World Record

India – Isang babae sa India ang nakasama sa listahan ng Guiness World Record dahil sa nagawa nitong marathon yoga.

Si Kavitha Bharanidaran, na nakagawa ng yoga session na tumagal ng 103-hours kung saan nagsimula siya noong Sabado at natapos noong Huwebes.

Masaya naman si Kavitha sa naging resulta ng kaniyang record pero plano niyang lagpasan ulit ito sa gagawin niyang marathon yoga session sa susunod na linggo.


Nais niya kasing matalo ang kapantay na record ni Pradnya Patil na 103 hours na kaniyang isinagawa noong June 2017.

Facebook Comments