Para sa mga bakasyunista tutungo sa Ilocos Norte, isama sa inyong listahan ang pagkain ng Longganisa Ice Cream.
Gawa sa vanilla ice cream, binudbod na longganisa bits, pinaghalong chia at flax seeds at konting whiskey ang kakaibang panghimagas.
Matitikman ang dessert with a twist sa Good Vibes Cafe, Laoag City.
Ayon kay Christine Salvador, may-ari ng restaurant, parte ng pagkilala sa pagkaing Ilocano ang paggawa ng pinagsamang init/anghang at lamig/tamis ng ice cream.
“It’s healthy in a way na tinanggal namin ‘yung oil ng longganisa tapos less fat na siya so wala ‘yung greasy part for the health conscious. So parang we are giving our kailian more reasons to eat longganisa in a different way,” dagdag ni Salvador.
Mabibili ang longganisa ice cream sa halagang P100.
Facebook Comments