Sa Alaminos City, idaraos ang kapistahan ng isa sa mga lokal na produkto ngayong March 6, sa central business district ng lungsod para sa isang masaya at makulay na selebrasyon, ang Longganisa Ihaw-Ihaw Festival!
Bukod sa island hopping water sports adventure, may isa pang dahilan para mas ma-in love sa lungsod. Sa kauna-unahang pagkakataon, itatampok ang isa sa mga pamosong ipinagmamalaki ng siyudad- ang kanilang masarap at de-kalidad na locally-made longganisa!
Higit pa sa aroma ng bawang at ibang pampalasa, madali ring matukoy sa ibang local-made longganisa sa bansa ang gawa mula sa Alaminos City, dahil sa paggamit ng tingting o ugat ng dahon ng niyog upang selyuhan ang bawat piraso.
Nakatakdang sabay-sabay na ihawin ang libo-libong piraso ng longganisa na tiyak magpapalakas pa sa produkto para sa mga Alaminian at sa mga turistang napapadpad sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









