LONGGANISA SA MERYENDA, PATOK SA BINALONAN

Sa naganap na Tourism Month Celebration nitong Setyembre, hindi nagpahuli ang bayan ng Binalonan sa mga event na nagpapakita ng mga ipinagmamalaki ng bayan. At pagdating sa longganisa, tiyak hindi mawawala ang Binalonan Longganisa sa mga pinakamasarap.
Kaya naman muling nag organisa ng Longganisa Cookfest 2023 ang Binalonan LGU nitong September 29 sa Rock Garden ng Binalonan town plaza. Sentro nito ay ang challenge kung paano gagawing meryenda ang longganisa. Kaya naman, iba’t ibang meryenda dish na may sahog na longganisa ang ginawa ng mga kalahok.
Nagwagi sa nasabing cookfest ang University of Eastern Pangasinan. Habang apat pa ang nabigyan din ng runner up awards . Umaasa naman ang bayan na magpapatuloy ang event na ito sa mga susunod pang taon base narin sa suportang ibinibigay ng mga Binaloñans. |ifmnews

Facebook Comments