ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Nagpapatuloy ang ginagawang paghahanda ng paaralan sa Alaminos City kaugnay naman sa paglahok ng mga ito sa pilot run ng face-to-face classes sa susunod na linggo sa buong bansa kahit pa sa gitna ng pandemya.
Kaugnay nito, binisita ni DepEd Undersecretary Alain Del B. Pascua ang Longos Elementary School (LES) at 100 Islands Cowboy Christian Church and Learning School (CCCLS) upang personal na makita ang mga ginawang paghahanda ng DepEd Alaminos City Division at ng pamahalaang lungsod ng Alaminos para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga nasabing paaralan na kabilang sa mga lugar na low risk na sa COVID-19.
Ang LES ay ang nag-iisang public school sa Pangasinan na lalahok sa pilot run na sisimulan na sa Lunes, Nobyembre 15.
Inaasahan naman na sa Nobyembre 22 sasabak sa dry run ang 100 Islands CCCLS, na matatagpuan sa Barangay Telbang at nag-iisang pribadong paaralan sa Region 1 para sa pagpapatupad ng naturang face-to-face classes.###