Looc, Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol; ilang malalakas na pagyanig, naramdaman sa Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro kaninang alas-1:12 ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 23 kilometro hilagang silangan ng Looc, Occidental Mindoro

May lalim itong 74 kilometers at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman ang Intensity 5 sa Tagaytay City at sa Amadeo, Cavite.

Intensity 4 sa Malolos City at Obando, Bulacan; City of Manila; Marikina City; San Mateo, Rizal; Las Pinas City; General Trias at Tanza sa Cavite at sa San Juan City

Intensity 3 naman sa Quezon City; Pasig City; Makati City, City of Antipolo, Rizal at Valenzuela City

Habang Intensity 2 sa Palayan City sa Nueva Ecija.

Samantala, naramdaman naman ang Instrumental Intensity 5 sa Tagaytay City at Instrumental Intensity 1 sa Palayan City, Nueva Ecija.

Sa ngayon, dalawang aftershocks na ang naitala ng PHIVOLCS bunsod ng magnitude 5.7 na lindol, kung saan magnitude 2.9 at 4.5 ang naramdaman sa Looc, Occidental Mindoro.

Facebook Comments