LOOK: BSP nagpalabas ng bagong P5 barya bilang pagbibigay pugay kay Andres Bonifacio

424

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ilalabas nila ang bagong limang pisong barya sa darating na buwan ng Disyembre. Ito’y bilang pagbibigay pugay sa ika-154th kaarawan ni Bonifacio ngayong Huwebes, Nobyembre 30 at ika-120th anibersaryo ng kanyang pagkamatay nitong Mayo 10 ng kasalukuyang taon.
Sa sinasabing barya, naka-ukit dito ang mukha ng Ama ng Katipunan na may mga nakasulat na “ANDRES BONIFACIO”, “5-PISO” at “REPUBLIKA NG PILIPINAS”. Sa likurang bahagi naman ng barya, makikitang naka-ukit ang Tayabak, isang uri ng halaman na “endemic” o sa Pilipinas lamang makikita, logo ng BSP at “BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS”.

Facebook Comments