LOOK: Eco-friendly reception na pagkaing Pinoy ang handa

Courtesy Facebook/Toto Ibib

Isa sa importanteng inaayos ng mga ikakasal ay ang kanilang reception.

Kaya naman ang bagong kasal na sina Audre at Jan Valense Geconcillo may kakaibang konsepto. Imbes na sa restaurant ang venue, bukid ang kanilang pinili at pagkain Pinoy ang handa.

Ito ay idinaos nitong Martes sa Santa Catalina, Negros Occidental.

Makikita sa mga litratong kuha ni Facebook user Toto Ibib ang mga prutas, kakanin, suman, at mga putahe na patok sa panlasang Pinoy. Nakalagay ang mga pagkain sa iba’t-ibang bilao.

Gawa sa saging ng puso ang kanilang plato at mula sa kawayan ang mga baso. Lahat ng ginamit nila sa reception, maituturing na eco-friendly. Ayon sa mag-asawa, pareho silang nature lover at tinulungan sila ng kanilang mga kamag-anak para makamit ang minimithing dream wedding reception.

 

 

Facebook Comments