LOOK-Epekto ng gyera sa mga Lumad sa Datu Unsay Maguindanao

Pahirapan pa rin ang sitwasyon ng mga lumad sa mga boundaries ng Datu Unsay at Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao na lumikas bunsod sa pambubulabog ng mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers.

Sinasabing maliban sa takot na nararanasan ng mga bakwit, nagkakasakit na rin ang ilan sa mga ito ayon pa kay Lynette Estandarte, Head ng Peoples Medical Team ng Provincial Government ng Maguindanao kasabay ng kanilang pamamahagi ng ayuda kahapon sa mga ito.

Bitbit ng mga kawani ng Peoples Medical Team ang mga relief items, mga gamot at ilang school supplies.


Nagsagawa rin ang mga ito ng feeding program, medical consultation, tooth extraction, tuli at namahagi ng school bags at trapal sa Hill 224, Sitio. Kyamko Brgy Maitumaig Datu Unsay at Sitio Bagong, Brgy. Kabinge, Datu Saudi Ampatuan.

Napag alaman rin ni Estandarte na halos mag iisang buwan ng suspendido ang klase ng Kyamko Elementary School dahil sa natatakot pa rin ang mga gurong umakyat at magbigay ng klase sa mga istudyante.

Kaugnay nito umaasa naman ng Maguindanao Government na muling manumbalik sa normal ang sitwasyon ng mga nabanggit na lugar. Mataandaang nagsimulang lumikas ang mga residente matapos atakehin ng BIFF ang Lumad Community noong bisperas ng pasko noong nakaraang taon.

Nagpapatuloy namang nakaalerto ang mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad bunsod pa rin sa banta ng mga armado at nagkalat na Improvised Explosive Device sa mga kalsada ng nabanggit na mga bayan.








Facebook Comments