LOOK | Masayang iBINGO-OKE sa Barangay Canelar!

150

Doble-dobleng mga pa-premyo at kasiyahan ang inihatid ng iFM 96.3 Zamboanga sa kanilang iBINGO-OKE SA BARANGAY marathon! Sa Barangay Canelar unang sumugod ang inyong mga iFM Bestfriends noong Sabado, September 9, alas-tres ng hapon.
Sa unang bahagi ng programa, kumanta ng medley ang singing DJ ng iFM na si Bestfriend Gino Pipino. Sinundan ito ng Bingo Games na may mga patterns ng mga letrang I, F, M at blackout. Sa unang pattern pa lang ay nagkaroon agad ng dalawang winners. Sa halip na P500 ang 1st game prize, ginawa itong P600 at pinaghatian ng dalawang nanalo. Solo namang nasungkit ng isang residente ang 2nd game prize na electric fan. Samantala, dalawang rice cooker naman ang ibinigay ng iFM Zamboanga dahil dalawa ang nanalo sa pangatlong Bingo game. At para sa blackout pattern, pinaghati-hatian ng anim na winners ang P1,600 jackpot prize.
Panalo naman si Oliver Bernardo sa videoke contest kung saan kinanta nito ang Himala ng bandang Rivermaya at nakatanggap ng P1,000 bilang premyo.
Hindi rin nagpahuli ang mga taga-Barangay Canelar para sa inihandang parlor game ng iFM DJs at intermission number. Pinagkaguluhan din ng mga dumalo ang mahiwagang ballpen ng iFM at ang free taste ng MR Coffee and Capsule na sponsor sa iBINGO-OKE Sa Barangay.
Sa Miyerkules, September 12 naman inaasahang i-aanunsyo ang susunod na barangay para sa iBINGO-OKE Sa Barangay!

​ 21369334_10213892114159710_2483761588372495400_… ​​ 21369440_10213892108039557_1360594761672622093_… ​​ 21430257_10213892922139909_2055733437516083246_… ​​ 21432859_10213892110279613_1857572680759535075_… ​​ 21432995_10213892116479768_7794853409888926044_… ​​ 21462399_10213892109599596_3141297345619169598_… ​​ 21462947_10213892369286088_7329232834132868470_… ​​ DSC_0546.JPG ​​ DSC_0559.JPG ​​ DSC_0581.JPG ​​ DSC_0596.JPG ​​ DSC_0597.JPG ​​ DSC_0612.JPG ​​ DSC_0614.JPG ​​ DSC_0631.JPG ​​ DSC_0673.JPG ​​ DSC_0676.JPG


Facebook Comments