Look out bulletin laban sa mahigit 100 miyembro ng Maute Group at Abu Sayyaf Group, inilabas ng DOJ

Manila, Philippines – Naglabas ng look out bulletin ang Dept. of Justice laban sa mahigit 100 miyembro ng Maute Group at Abu Sayyaf Group pati na rin ng kanilang mga taga-suporta.

Inilabas ito kasunod ng utos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, dapat arestuhin ang mga suspek dahil sa pagpapasimuno ng mga pagpatay, pagdukot at pambobomba sa Marawi City at iba pang bahagi ng Mindanao.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng DOJ ang pagpapalabas ng bagong utos na tatawaging detention order habang umiiral ang martial law sa Mindanao.

Kapalit ito ng naka-temporary restraining order na hold departure order.

Sa pamamagitan nito, pwede nang ikulong kaagad ang mga mapapasama sa listahan ng mga mapanganib na tao.

Sa ngayon kasi ay hindi pwedeng ikulong kaagad ang mga nasa arrest order sa ilalim ng batas militar.
DZXL558

Facebook Comments