LOOKING FORWARD | Ai-Ai Delas Alas, excited na mag-guest sa concert ng grupong Ex-B sa February 17

61

Manila, Philippines – Excited na ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas sa gagawing concert ng grupong Ex-Battalion sa February 17.

Isa si Ai-Ai sa guest ng nasabing grupo kung saan dati na sila nagkaroon ng collaboration sa single na “Walang Pinipili” na inupload sa Spotify noong isang taon na ang nakakaraan.

Subalit hindi pa alam ng komedyante noon na sikat na ang grupong Ex-Battalion hanggang sa kamakailan lang ay nakita niya ang mga covers nito sa Youtube na mayroong 20-million hits.
Sinabi naman ni Ai-Ai na magkakaroon muli sila ng kanta kasama ang Ex-B kung kaya’t abangan daw ito ng kanilang mga fans.
Say pa ni Ai-Ai, kung dati ang Ex-B ang nagsilbi niyang support sa single niya, this time naman raw ay siya naman ang magsisilbing back-up ng grupo at sila naman ang magiging bida.

Facebook Comments