Lookout bulletin laban kay Mayor Baldo, hiniling ng PNP sa DOJ

Manila, Philippines – Hiniling ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Kasunod ito ng pagsuko ng dalawa pang suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe at police escort nito.

Ayon naman kay PNP Chief Oscar Albayalde – malaking tulong sa pagresolba ng kaso ang pagsuko ng dalawang suspek na kapwa inginuso si Mayor Baldo na mastermind sa pagpaslang sa kongresista.


Kaugnay nito, sinampahan na ng kasong murder at frustrated murder ng PNP si Mayor Baldo at ang kaniyang anim na hit squad team na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PNP.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanilang tutugunan ang hiling ng PNP.

Layon ng lookout bulletin na ma-monitor ang entry at exit ng target lalo na sa mga airport at seaports.

Facebook Comments