Lookout bulletin order laban kay Albay Mayor Baldo, inilabas ng DOJ

Manila, Philippines – Naisilbi na ng National Police Commission (Napolcom) ang dokumento na bumabawi sa authority ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa lokal na pulisya.

Ito ay matapos ituro si Baldo bilang mastermind sa pagpatay kay Rep. Rodel Batocabe.

Dinala ng mga opisyal ng Napolcom ang revocation ng police deputation sa tanggapan ni Baldo.


Batay sa dokumento, agad binabawi ang deputation ni Baldo bilang kinatawan ng Napolcom.

Nakapaloob ang order sa resolusyon na may petsang January 7, 2019 at pirmado ni Interior Sec. Eduardo Año.

Ibig sabihin nito ay suspendido na ang authority ni Baldo sa local police bilang Napolcom Deputy.

Facebook Comments