Loop holes sa pagkakasamsam ng halos 1 toneladang shabu sa Maynila noong isang taon, malapit nang maresolba ayon sa PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na masasagot na ang mga katanungan sa pagkakasabat ng halos 1 toneladang shabu sa Maynila noong isang taon.

Ito’y kasunod ng resulta ng imbestigasyon ng 5-man advisory group na nagdadawit sa dalawang heneral at koronel ng PNP sa iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., sa pamamagitan nito ay mabibigyan linaw ang mga grey area sa nangyaring operasyon.


Palaisipan pa rin kasi hanggang ngayon kung paano naipon ang 990 kilos ng shabu sa lending shop ng sinibak sa serbisyo na si PMSgt. Rodolfo Mayo gayundin ang pinagmulan nito.

Samantala, hindi naman makumpirma ni Acorda kung kasama ang apat na matataas na opisyal ng PNP na idinadawit sa iligal na droga sa pagbabalik kay Mayo sa headquarters ng PNP gayong ipinatapon na ito sa Mindanao noong 2016.

Pero ang 4 aniya na matataas na opisyal ay mayroong direktang partisipasyon sa pagkakasabat ng shabu noong nakalipas na taon.

Facebook Comments