
Boluntaryong sinuko ang isang loose firearm sa koneksyon sa patuloy na pagsasagawa ng Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) pati na rin ang patuloy na paglunsad ng kampanya kontra boga.
Kung saan nangyari ang pagsuko sa PHPT Zamboanga del Sur Office, Camp Abelon, Brgy. Lumbia, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Sinurender ito ng isang lalaki na may alyas na “Brix” para makaiwas umano sa legal na komplikasyon.
Ayon sa kanya, tinatago nya ang nasabing baril para sa personal na seguridad sa pagbabantay sa kanyang mga alagang hayop at kanya itong sinurender bilang parte ng kooperasyon sa mga otoridad.
Sinurender nya ang isang Armscor 12 gauge shotgun at 10 live rounds.
Dinala ang nasabing loose firearm sa Provincial Highway Partrol Team sa Zamboanga del Sur Office, kung saan pormal itong tatanggapin at ilalagay sa ilalim ng kustodiya ng Zamboanga del Sur Provincial Forensic Unit para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.










