LOOTED ITEMS? | Mga nawalang gamit, ari-arian at pera ng mga taga-Marawi sa kasagsagan ng gulo, hindi ibabalik ng gobyerno

Manila, Philippines – Hindi babayaran ng gobyerno ang umano’y mga “looted items” mula sa mga bahay na naapektuhan ng bakbakan sa Marawi noong nakaraang taon.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Head Eduardo Del Rosario – may ibinibigay namang ayuda ang gobyerno para sa mga nasirang ari-arian pero hindi kasama rito ang pagbabayad sa mga nawalang gamit.

Mahirap kasi aniyang i-validate ang mga ulat na may nawawalang pera o alahas kung saan inaakusahan din ng pagnanakaw ang mga sundalo.


Samantala, bawal pa ring bumalik sa ground zero o tinatawag ngayong “most affected area” ng Marawi ang nasa 11-libong pamilyang nakatira roon.

Sabi ni Del Rosario, hangga’t maaari nga ay hindi na sila magpapabalik ng sinuman sa lugar.

Kung magpupumilit, papayagan umano sila pero kinakailangan ng waiver na may pirma ng barangay captain.

Nakasaad umanoy sa waiver na walang pananagutan ang gobyerno sakaling may mangyari masama sa kanila sa loob ng ground zero.

Facebook Comments