Lorenzana, hinamon si Sen. Pacquiao na patunayan ang alegasyon ng korapsyon sa pagbili ng Navy frigate

Hinamon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Senator Manny Pacquiao na idetalye ang alegasyon ng korapsyon sa 300 million dollar acquisition ng Philippine Navy frigates.

Ayon kay Lorenzana, hindi totoo ang ibinabatong alegasyon ni Pacquiao.

Aniya, ang frigate deal ay masusing inimbestigahan sa Senado noong 2017 at wala naman silang nakitang anomalya.


Sa katunayan, si Pacquiao pa ay dumalo sa isa sa mga pagdinig nito.

Iginiit ni Lorenzana, walang mali sa buong procurement process.

Facebook Comments