Lorenzana, inatasan ang mga ospital na tumulong sa mga LGUs sa COVID-19 vaccination program

Ipinag-utos ng Department of National Defense (DND) ang mga military hospitals at medical assets sa buong bansa na tulungan ang mga local government units (LGUs) sa kanilang immunization program laban sa COVID-19.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, gagamitin ang assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagde-deploy ng bakuna sa mga lalawigan.

“In addition po, mayroon tayong 11 na barko na pwedeng humakot ng mga vaccine dahil meron silang malaking refrigeration capacity na malaki kung mapapadala po nating mga isla at pwedeng gamitin yung barko. Isa pa ang eroplano handa mag-transport ng vaccines mula Manila papuntang probinsya,” sabi ni Lorenzana.


Inalerto na niya ang mga military hospitals sa buong bansa na alalayan ang mga LGU sa vaccination program.

Mayroon 20 Philippine Army hospital, walong Philippine Air Force hospitals, siyam na Philippine Navy hospitals, at 11 hospitals sa Unified Area Commands.

Facebook Comments