Lorenzana, tiwala na mareresolba ang gulo sa Marawi City

171

Manila, Philippines – Positibo si Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi aabutin ng 60 araw at kaagad na mareresolba ang gulo sa Marawi City.


Sinabi ito ni Lorenzana kasunod ng pagbisita niya sa second mechanized brigade sa iligan city kahapon.

Ayon kay Lorenzana, maaaring sa loob ng mahigit isang linggo lang ay matatapos na ang panggugulo ng maute group sa nasabing lungsod.

Maging si Armed Forces Chief of Staff General Eduardo Año ay naniniwalang hindi tatagal ng animnapung araw ang problema.

Sa katunayan, sinabi ni Año na bago pa man matapos ang 60 days ay maaaring itigil na nila ang military rule sa Mindanao.

 

Facebook Comments