Los Angeles Clippers – hindi nagpatinag sa koponan ng Utah Jazz sa paghaharap sa Western Conference Playoffs

NBA – Hindi nagpadaig ang Los Angeles Clippers kontra Utah Jazz sa score na 111-106, kung saan 2-1 na ang lead nila sa 1st round ng western conference ng NBA playoffs ngayong araw.

Humataw sa koponan ng Clippers ang point guard nila na si Chris Paul na nagtala ng 34 points kabilang na ang 10 assist at 7 rebounds.

Nag-ambag naman si De’andre Jordan ng 17 points, 13 rebounds at isang assist.


Naging masaya naman si Paul sa naging outcome na kanilang laro.

Nabatid na dinomina ni Paul ang 4th quarter matapos bumira ng sunod-sunod na free throws sa huling 5.3 seconds na laro.
Nation

Facebook Comments