Los Angeles Clippers, pasok na sa Western Conference finals

48

Pasok na sa Western Conference finals ang Los Angeles Clippers matapos na walisin sa Game 6 ang Utah Jazz sa iskor na 131-119.

Ang pagkapanalo ng Clippers ay hindi nahadlangan ng kawalan ni Kawhi Leonard sa pangalawang pagkakataon bunsod ng injury.


Nanguna sa laban si Terance Mann na nagtala ng career-high na 39 points kung saan 25 dito ay kanyang naipasok sa 2nd half.

Todo kayod din ang ginawa ni Paul George na gumawa ng 28 points, nine rebounds at seven assists na sinuportahan ng 27 puntos at 10 assists mula kay Reggie Jackson.

Para sa Clippers, maituturing na makasaysayan ang kanilang pag-usad sa conference finals na kauna-unahan din makalipas ang 51-taon.

Facebook Comments