NBA – Wagi kontra Los Angeles Clippers ang New York Knicks para sa una nilang laban ngayong NBA season.
Sa iskor na 107-85, nanguna sa panalo si Forward Kristaps Porzingis na may 25 points.
Nakapag-ambag naman ng 16 points si Doug Mcdermott at 13 puntos mula Kat Tim Hardaway Jr.
Resbak ito ng Knicks matapos silang talunin ng Toronto Raptors sa tambak din na puntos.
Wala namang nagawa ang 21 points ni Blake Griffin para iahon ang Clippers.
Sunod na makakalaban ng LA Clippers ang Atlanta Hawks habang susubukang makabawi mula ng Knicks sa Raptors.
Facebook Comments