Los Angeles Clippers practice facility, isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng travelling party nito

Isinara ng Los Angeles Clippers ang kanilang practice facility matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng traveling party patungong Orlando, Florida para sa pagbabalik-laro ng National Basketball Association (NBA) sa July 30, 2020.

Ayon sa ulat, posibleng muling buksan ng Clippers ang pasilidad para sa workouts bago tumulak ang koponan patungong Florida sa susunod na linggo.

Nabatid na una nang nagsara ng pasilidad ang Denver Nuggets at Brooklyn Nets matapos magpositibo rin sa virus ang kanilang mga staff.


Ang bawat teams ay pinapayagang magpadala ng grupong kinabibilangan ng 35 katao sa NBA campus sa Walt Disney World Resort bilang bahagi ng 22-team restart.

Facebook Comments