Los Angeles Clippers, tinalo ang Suns sa Game 3 ng NBA Western Finals

Muling nanguna ang Los Angeles Clippers sa 2-1 lead matapos nitong talunin ang Phoenix Suns sa score na 106-92 sa Game 3 ng National Basketball Association (NBA) Western Conference Finals.

Nanguna sa laro si Paul George na may 27 points, 15 rebounds at 8 assists habang nagdagdag ng 23 points si Reggie Jackson.

Samantala, 18 points naman ang inambag ni Deandre Ayton para sa Phoenix at 15 points mula kay Devin Booker.


Gaganapin sa Linggo ang Game 4 ng best-of-7 series.

Facebook Comments