Hindi makakapaglaro sa darating na season ng National Basketball Association (NBA) na gaganapin sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida si Los Angeles Guard Avery Bradley.
Ito ay matapos maharap sa respiratory problems ang kaniyang anim na taong gulang na anak.
Ayon kay Bradley, bagama’t tapat siya sa kaniyang trabaho bilang manlalaro, kailangan pa rin niyang itaguyod ang kaniyang pamilya lalo na ngayong kasagsagan ng pandemya.
Gaganapin ang pagbabalik-laro ng NBA sa July 30 na sinuspinde nitong March 11 dahil sa COVID-19.
Facebook Comments