Los Angeles Lakers at Phoenix Suns, tabla na sa Game 2

35

Tabla na ang Los Angeles Lakers laban sa Phoenix Suns sa score na 109-102, sa Game 2 ng best of seven series ng National Basketball Association (NBA) Western Conference Playoffs.

Pinangunahan ni Anthony Davis ang panalo na nag-ambag ng 34 points, 10 rebounds at pitong assists.


Nagdagdag naman si Lebron James ng 23 points, 9 assists habang si Dennis Schroder ay mayroong 24 points.

Maghaharap muli ang Suns at Lakers sa Huwebes para sa Game 3.

Facebook Comments