Los Angeles Lakers, nasungkit ang unang back-to-back win ngayong Enero kontra Washington Wizards

Nasa balag ng alanganin ngayong makapasok sa Playoffs ang Washington Wizards matapos tambakan ng Los Angeles Lakers, 124-106.

 

Nagpakawala ng 23 points, 14 assists at 7 rebounds si LeBron James.

 

Lalo pang lumubog ang Wizards nang dagdagan ito ng 29 points ni Kentavious Caldwell-Pope at 20 points ni Javale Mcgee.


 

Hindi naman umubra ang 32 points ni Bradley Beal para sa Wizards.

Facebook Comments