Los Angeles Lakers, nasungkit ang unang panalo sa NBA regular season

Nasungkit ng Los Angeles Lakers ang kanilang unang panalo kontra Dallas Mavericks sa score na 138-115 sa regular season ng National Basketball Association (NBA).

Nagpasiklab ng 28 puntos si Anthony Davis ng Lakers habang nakakuha ng 22 puntos si Lebron James kahit may ankle injury.

Sa simula palang ng laro ay hindi na pinaporma ng Lakers ang Mavs upang masiguro na makuha nila ang unang panalo sa liga.


Facebook Comments