Los Angeles Lakers Star Player Lebron James, pinagpapahinga ng 6 na linggo dahil sa injury

Nangangailangan ng apat hanggang anim na linggong pahinga ang Los Angeles Lakes star player at 4-time Most Valuable Player (MVP) na si Lebron James.

Ito ay para tuluyan nang maghilom injury ni Lebron dahil sa high-ankle sprain sa kasagsagan ng kanilang laban kontra Atlanta Hawks noong Marso 20.

Matatandaang sa kalagitnaan ng laro, hindi sadyang nagulungan ni Atlanta forward Solomon Hill ang kanang bukong-bukong habang hinahabol ang bola.


Dahil dito, inaasahang aabot sa 16 games ang posibleng ma-miss ni Lebron ngayong NBA season.

Facebook Comments