Los Angeles Lakers star player na si Kyle Kuzma, muling pinalawig ang kontrata

Inanunsiyo ng Los Angeles Lakers ang extension sa team ng isa sa kanilang star player na si Kyle Kuzma.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ng 40 milyong dolyar o katumbas ng halos 2 bilyong piso sa loob ng tatlong taon ang kontrata kabilang na ang player option bago ang 2023-2024 season.

Agad namang pinuri ng superstar na si Anthony Davis ang pagpayag ni Kuzma, na nagpapakita ng kumpiyansa ng koponan sa kanyang abilidad.


Ang deal ni Kuzma ay naihabol bago ang deadline bukas ng National Basketball Association (NBA) sa pagpirma sa mga rookie contract extensions.

Facebook Comments