Los Angeles Lakers, wagi kontra Indiana Pacers sa nagpapatuloy na NBA League

Nagwagi ang Los Angeles Lakers kontra Indiana Pacers sa iskor na 105-100 sa nagpapatuloy na NBA League.

Nanguna si Kyle Kuzma matapos makapagtala siya ng 24 points habang tumulong din sina Lebron James na may 18 points at Montrezl Harrel na may 17 points.

Naging susi rin sa panalo ng Lakers ang naging steal ni Kentavious Caldwell-Pope sa huling walong segundo ng laro dahilan upang mawalan ng pagkakataon ang Pacers na maitabla pa ang laban.


Susunod naman na makakalaban ng Lakers ang Golden State Warriors sa darating na Miyerkules.

Facebook Comments