Los Angeles Lakers, natanggap na ang kanilang championship rings

Natanggap na ng koponang Los Angeles Lakers ang kanilang championship rings bago pa ang kanilang laro kontra Los Angeles Clippers kagabi.

Ayon sa ulat, bagama’t walang mga fans na pinayagang makapasok sa Staples Center sa Los Angeles, California hindi pa rin ito naging dahilan sa patuloy na pagsuporta sa mga manlalaro.

Nilalaman ng singsing ang aabot sa 804 stones, 15.50 carats ng white at yellow diamond at 0.95 carat ng Lakers purple amethyst stones.


Ang singsing ay sumisimbolo rin ng pagpupugay sa namayapang National Basketball Association (NBA) legend at icon na si Kobe Bryant.

Facebook Comments